Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

WHO kinondena pananakit, paglason ng mga unggoy sa Brazil

Kinondena ng World Health Organization (WHO) ang napaulat na pambabato at paglason sa mga unggoy sa Brazil sa pag-aakalang nagsimula sa nasabing mga hayup ang kumakalat na monkeypox.

Ipinaliwanag ni WHO spokesperson Margaret Harris na isa itong kalupitan sa mga unggoy dahil hindi sa unggoy nanggaling­ ang outbreak ng monkeypox kundi sa pagkakahawa sa tao.

Sa ulat, 10 unggoy sa isang lugar sa Rio de Preto ang pinagbabato at nilason wala pang isang linggo matapos makumpirma ang tatlong kaso rito ng monkeypox.

Ayon kay Harris, unang idinikit ng mga researcher sa Denmark ang virus sa unggoy pero nakita rin ito sa ibang hayop tulad ng daga.

Sa kasalukuyan ay 28,100 kaso na ng monkeypox, 12 ay mga namatay sa virus, ang naitala sa buong daigdig simula nitong Mayo sa labas ng mga bansa sa West at Central Africa kung saan ito unang natuklasan.