Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Bigtime tulak, kasabwat timbog sa P10M tobats

Arestado ang sinasabing bigtime tulak at kasabwat nito matapos makumpiskahan ng P10.88 milyon halaga ng shabu sa anti-drug operation ng Estancia Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Estancia Police chief, Lt. Renzo Martinez, ang naaresto na isang alyas “Rene,” 43, residente ng Novaliches, Quezon City, at ang 22-anyos niyang kasabwat, kapwa taga-Barangay Gogo, sa nasabing lalawigan.

Sa ulat, alas-6:10 ng umaga nang masabat ang mga suspek sa Barangay Tacbuyan at nakumpiska sa kanila ang idedeliber sanang 1.6 kilogram ng shabu na nagkakahalagang P10.88 milyon.

Ayon kay Martinez, matagal na umano nilang sinusubaybayan si alyas Rene na nasa kanilang drug watch list at dating taga-Barangay Pa-on pero noong 2002 ay lumipat sa Novaliches, Quezon City.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. (Dolly Cabreza)