Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

2 salot sa Quiapo, tiklo

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 14, ang 2 drug pusher sa isinagawang buy bust operation kamakalawa sa may C. M. Recto Avenue cor Loyola St., Brgy 390, Quiapo, Maynila.

Nakadetine sa MPD-PS 14, ang mga suspek na sina Brando Martinez alyas Pandoy at William Sibal, 56, kapwa residente ng Brgy 118, Tondo Maynila.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic ng shabu na tumitimbang ng 60 gramo at may street value na P408,000.

Isang poseur buyer ang nakipagtransaksiyon sa mga suspek at nang magkaabutan ng marked money ay inaresto ang dalawa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article II of RA 9165, ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)