Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

‘War Dog’ Mangubat lalapa ng Hapones

KAKASAHAN ni Pinoy fighter Tomjune Mangubat si Japanese fighter Masanori Rikiishi para sa The Orient and Pacific Boxing Federation super featherweight title sa darating na Agosto 14 sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Magugunitang huling lumaban ang tinaguriang ‘War Dog’ na si Tomjune nitong nakaraang Marso 12 nang kalabanin niya si SEA Games gold medalist Charly Suarez kung saan yumuko siya via technical knockout (TKO) sa round 12.

Bigo siyang makuha ang WBA Asia super featherweight title kaya naman nagnanais itong kumuha na lamang ng ng ibang regional division belt.

“I will try my best to make up for my loss. I will do it to the best of my ability,” saad ni Mangubat sa lumabas na ulat.

Hawak ni Mangubat ang 15-3-1 win-loss-draw record kasama ang 12 knockouts (KOs), habang ang makakabangga niyang si Masanori ay may 11-1 panalo-talo kartada.

Bukod kay Tomjune, aarangakada rin ang kapwa niya Pinoy fighter na si Jeo Santisima (21-4-0, 18KOs) para sa undercard fight kalaban si Hiroshige Osawa (37-5-4, 21 KO). (Aivan Episcope)