Inihayag kahapon ni Philippine Ambassador to the United Nations (UN) Jose Manuel `Babes’ Romualdez na inaasahang magsasalita si Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. sa UN general assembly na gaganapin sa Setyembre 20.
Ayon kay Romualdez, maraming nagnanais na marinig magsalita si Marcos sa UN at marami rin ang mga lider ng ibang bansa na gustong makaharap ito sa isang pulong.
“So, President Marcos is expected to speak at the UN on September 20th which is the day it starts,” sabi ni Romualdez sa panayam ng ANC kahapon.
Dagdag pa nito na pinaghahandaan na aniya ng pangulo ang pagdalo at pagbibigay ng talumpati para sa general assembly ng UN.