Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Top Class sampu na lang ang natira

NI: ROLDAN CASTRO

Lalong umiinit ang mga ganap sa loob ng Top Class Boot Camp ngayong sampu na lang ang natitirang trainee na naglalaban. Sa ikawalong episode ng Top Class, nagkaroon ang mga trainee ng pagkakataon na maipakita ang kanilang galing sa pag estilo at pagdadala sa sarili. Dumaan sila sa mga klase kasama

ang mga kilalang personalidad sa industriya tulad nina Mark Ranque na stylist ng P-pop group na SB19, celebrity hair and makeup artist na si Jay Herrera, at ang Creative Director ng Parcinq Magazine na si Rxandy Capinpin.

Bukod sa styling, nakasama ng mga trainee si Dance Mentor Brian Puspos at ang mga kapwa mananayaw na sina Carlos Serrano III at Aennon Tabungar ng Team Package Makers sa isang “Idol Aura Class”. Pagkatapos ng makeover, nagkaroon ng “Reveal” photoshoot ang mga trainee kasama si Rxandy mismo bilang photographer. At sa huli, itinanghal ng mga trainee ang “No Stopping You” ng SB19, na naging basehan ng tanggalan.

Talagang naging emosyal ang pangatlong tanggalan. Sila Justine, Niko, Dean, Francis, Clyde, at Kenzo ang natsugi na mga trainee.

Pero, pagkatapos ng tanggalan, inanunsyo kaagad ni VJ Ai Dela Cruz na magkakaroon ng limang wildcard na trainee – mabibigyan sila ng pagkakataon na makabalik at manalo pa sa kompetisyon.

Ang mga wildcard ay sina Clyde, Dean, E.L., Gab, at Niko

Hanggang Biyernes (Aug 12) 11:59 ng gabi lang pwedeng bumoto ang mga sumusuporta sa mga trainee na gusto nilang makabalik.

Abangan ang kapana-panabik na mga ganap ng natitirang trainees at kung sino sa mga wildcard ang makakabalik! Mapapanood ang Top Class araw-araw sa Kumu at tuwing Sabado, ika-5 ng hapon sa TV5. Tutukan din ang Top Class sa labas ng Pilipinas via iWantTFC at Myx Global.

Para hindi mahuli sa mga balita ng Top Class, sundan lamang ang Top Class sa Facebook, Instagram, at Twitter @topclassofficial, Top Class sa Youtube, at topclass naman sa Kumu. Para naman sa halos araw-araw na pagsubaybay sa buhay ng mga trainee, sundan lamang ang @topclassdaily sa Kumu.

Ang Top Class: Rise to P-Pop Stardom ay produkto ng pagsasanib-pwersa ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.