Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Toni Fowler palaban sa demanda

Naglabas na ng pahayag ang content creator na si Toni Fowler matapos siyang sampahan ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Sa Facebook post ni Toni, sinagot nito ang KSMBPI. Sinabi pa nito na nais niyang, “Punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media.”

“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t krimiinal ang ikinakaso ninyo laban sa akin. Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling.”

“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili. Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao. Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko – akin ito at hindi sa inyo.” dagdag pa nito.

Hindi rin umano tama na pagsabihan at pagbawalan siya.

“Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko —gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap. Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae. Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys. Hindi ko na kasalanan kung hindi ninyo ito naranasan o nararanasan dahil hindi ko pipigilan ang aking sarili para lamang sa mga gaya ninyo. At kung sakali man dumating ang araw na ipakita ko ang ari ko o kahit ano mang sensitibong bahagi ng katawan ko sa pelikula man o music video, wala kayong pakielam dahil tulad ng MPL, hindi ko pinilit ipanood sa inyo ang mga ito.”

Dapat din umano ay nagsagawa ng research ang samahan, “Dahil may BTS Vlog ang MV ng MPL at doon namin pinakita na pinalitan ng juice ang tequila at wala akong pinainom na alak sa kahit sino pa man sa aking mga nakasama.”

Napatanong pa si Toni ng, “Pero bakit parang kasalanan ko?”

“Panglima, walang minor na gumawa ng s3xual na eksena. kung tutuuisin eh ano bang pinagkaiba nun sa mga teenage actors and actresses na gumagawa ng mga s3xual na eksena sa TV tulad ng mga panghahal@y sa mga drama? Ano ho ba ang pinagkaiba nito sa mga child actors na parte ng isang R-18 na pelikula? Isa pa, hindi na dapat natin sine-censor ang usaping sekswal sa mga kabataan dahil bahagi ito ng ating katawan at karanasan. Hindi dapat nakakaramdam ng pandidirii at pagkahiya ang kahit na sino pa pag pinag-uusapan, napapanood, o naririnig ang sekswal na parte ng ating katawan o ang mismong ideya ng pakikipagt@lik dahil mas itinutulak nito ang karamihan para maging bukas at matapang sa iba pang usaping konektado dito tulad ng panghahal@y, hindi planadong pagbubuntis, at iba pang bagay na kadalasang kaming mga kababaihan ang nakakaranas.”

Handa namang labanan ni Toni ang KSMBPI at harapin ang mga kaso na inihain sa kaniya.

“Sa huli, gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin.”

(CS)