Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Tinedyer, kelot dinampot sa tsongke

Arestado ang 26-anyos na binata at isang menor de edad matapos silang makumpiskahan ng mahigit 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Calamba City, Laguna nitong Sabado.

Dinala sa City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang menor de edad habang nasa kustodiya ng Calamba City Police ang kasama nitong si Joemari Atienza ng Barangay Paciano ng nasabing lungsod.

Inaresto ang dalawa nang makaiskor sa kanila ang pulis na nagkunwaring buyer ng ilang sachet ng marijuana sa inilatag na operasyon sa Barangay Paciano dakong alas-7:30 ng gabi.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na pakete ng pinatuyong marijuan na tumitimbang ng 510 gramo at nagkakahalaga ng P61,200.00. Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ronilo Dagos)