Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

TikToker Ychan Laurenz classmate ng bayan

Nalalapit na naman ang pagbabalik eskwela o ang face to face classes ng mga estudyante. Kung ikaw ang aking tatanungin ano-ano ba ang mga naalala mo noong mga panahong ikaw ay regular na pumapasok sa eskwelahan, sabi ng ilan sa aking mga napag tanungan na mimiss daw nila ang humingi ng baon sa kanilang mga magulang, makipag chikahan sa kabilang section habang vacant, sabi naman ng mga pasaway na estudyante na-aalala raw nila ang mag cutting classes, at kung ano-ano pang mga gawain sa eskwela.

Well ilan lamang yan sa nostalgiang hatid ng viral Tiktoker na si Ychan Laurenz ABA TRENDiNG! na pinag-uusapan ngayon ng mga netizen at ng mga chismosa nating kapitbahay ang mga Tiktok videos ni Ychan dahil sino nga ba naman ang hindi makakarelate sa kanya lalo na nung tayo ay nasa Elementary at high school pa lamang.

Hindi lamang mga estudyante ang nag reminisce sa mga videos ni Ychan dahil maging ang mga teachers ay naka-relate din sa kanyang mga content dahil isinabuhay nito ang iba’t ibang personalidad ng mga naging kaklase natin noong tayo ay nag aaral pa lamang. Pero sino nga ba si Ychan at paano siya nakilala.

Christian Laurenz Andrade sa totoong buhay tubong Cavite ang 25-anyos na Tiktoker at nag tapos ng kaniyang pag aaral sa Technological University of the Philippines – Manila sa kursong Civil Engineering.

Para kay Ychan isang karangalan ang maging isang instrumento upang makapag pasaya ng bawat tao dahil sa kabila ng pandemya na pinag daanan ng mundo isa siya sa mga nag bigay aliw at kasiyahan hindi lamang sa mga kabataan kundi maging sa bawat makakapanood ng kaniyang mga Tiktok videos.

Kaya naman para sa mga netizen si Ychan Laurenz na ang classmate ng bayan. Kaya’t taos puso naman ang pagpapasalamat nito sa walang sawang supporta sa kanya ng madla, hindi lang yan dahil maging ang mga celebrities at mga sikat na influencer ay napa hanga rin ni Ychan sa napaka talinong content na kanyang naisipan.

Marami pa tayong dapat na abangan sa mga content ni Ychan kaya para lagi kang updated tutukan at i follow siya sa kaniyang mga social media accounts.