Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Tangkang areglo ng sigang tsuper sinopla

Nagtungo sa programa ni Senator-elect Raffy Tulfo ang kapatid ng viral na security guard na walang awang sinagasaan ng SUV sa Mandaluyong.

Sinabi ni Bryan Floralde na nagpunta sa ospital ang dalawang abogado ng Toyota RAV4 driver na si Jose Antonio San Vicente upang makipag-areglo.

Pero nanindigan si Bryan na lalaban sila at hindi magpapaareglo.

“Sabi sa akin, ‘Baka puwedeng i-settle na natin ito para may pambayad na daw sa ospital’,” ani Bryan.

SM food to go Banner Ad

Napamura si Tulfo sa sinabing ito ng kampo ni San Vicente.

“Ise-settle para ‘yung ibibigay na settlement sa inyo, ‘yun ang ipambabayad sa ospital? Son of a b! Napakawalanghiya! Parang pine-pressure kayo? Sir, ako na po ang magbabayad ng ospital para hindi ka na ma-pressure,” ani Tulfo sa utol ng biktimang sekyu.

“Kaya hindi po ako pumayag… sabi ko, ‘hindi po’. Ayoko po, lalaban po ako,” saad naman ni Bryan. (IS)