Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sylvia binantaan si Ice

NI: BETH GELENA

Nakakatuwa ang kulitan nina Ice Seguerra at Sylvia Sanchez

Dumalaw ang singer sa house ng Atayde Family kamakailan.

Nagkakatuwaang nagkukwentuhan ang dalawa nang makaidlip si Ibyang dahil kumanta pala itong si Ice.

May kalokohan din ang singer, kinunan ng piktyur si Ibyang at saka pinost sa kanyang FB account. Nilagyan niya ito ng caption na, “Nubayan… ito ba epekto ko sa iyo Nay?”

Naloka ang aktres sa post ni Ice.

Ani Ibyang, “bawal talagang matulog pag itong taong to ang kasama mo. Hindi talaga mapagkakatiwalaan to. Bwisit ka nak! Hahahaha! Ice Diño Seguerra.

“May araw ka din. Itaga mo yan sa bato!!!!” pagbabantang sabi ng mahusay na aktres.

Aniya pa, nakakadalawa na raw sa kanya si Ice.

“Next time pag nasa bahay ko ikaw wag kang kumanta kanta para hindi ako makatulog!!! Punyemas ka!!!!

“Tandaan mo to!! Gagantihan kita!” birong banta pa ni Ibyang.