Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sunshine tinalakan sa pagpapaseksi

Ni: Ronaline Avecilla

Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen sexy outfit ng aktres na si Sunshine Cruz. Parang di na raw umano angkop sa edad ng aktres ang datingan ng pananamit nito.

Nasa edad na 45 na ang aktres pero tila kapatid na lang niya ang kanyang tatlong anak na babae sa mga teenage look and outfit niya.

Sey ng mga netizen, “What happen to you? wala ka na sa edad para mag popost ng ganyan”

“Kasawa rin yung puro gqnyqn itsura nya. Wala basya damit?.”

Ibinahagi pa niya sa kanyang Facebook account ang screenshot ng mga basher na tumalak at nagbigay ng mensahe.

SM food to go Banner Ad

Aniya, “Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin. Sa mga kababaihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am. I love dressing up, i love to wear crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page.

If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow for your own peace of mind.”

May ilan din netizen ang nagtanggol sa kanya at nagpaabot ng suporta.

@Cua Mariz, “Continue to spread body positivity Ms. Shine! Palaging may masasabi sa atin ang mga tao, kahit ano pa ang gawin mo. Piliin nating lagi kung anong magpapasaya sa atin.”

@Avierry Madlangbayan Jamibal , “Very well said Sunshine. I’m 56 years old and I love and wear anything that makes me feel good and comfortable.”