Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Suarez, Angels dinaig Athletics

SINAPAWAN ni Jose Suarez ng Los Angeles Angels si Cole Irvin ng Oakland Athletics sa duwelo ng mga left-handed pitchers nitong Lunes.

Hindi na nadagdagan ang homer ni Luis Rengifo sa first inning, pero sapat para itulak ang Angels sa 1-0 win.

Walong batters ang ini-retire ni Suarez sa loob ng pitong inning. Namigay siya ng two hits sa pangalawang sunod na panalo sa A’s.

Matikas na kinamada ni Aaron Loup ang eighth bago isinara ni Ryan Tepera ang laro para kolektahin ang kanyang second save.

Tumagal lang ng 2 hours, 14 minutes ang two-hit shutout.

Sa kabila, anim ang na-strike out ni Irvin, walang binigay na walk pero nalusutan ng limang hits sa eight innings. (Vladi Eduarte)