Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sotto hindi pokus Gilas

MISTULANG wala na sa prayoridad ni Kai Zachary Sotto ang paglalaro para sa Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos patuloy na walang inihahatid na komunikasyon ang 7-foot-3 na si Sotto sa pamunuan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na inihahanda na ang posibleng pinakamalakas na mabubuong koponan upang agad na maisalba ang kampanya ng Pilipinas sa nalalapit na ikaapat na FIBA Window at 2023 World Cup.

Isa ang beterano ng Australian pro league sa listahan ng mga hinahangad na irepresenta ang bansa sa nalalapit na FIBA Window at parte sa kabuuan ng binubuong programa, subalit wala ni isang pahayag o anuman sa intensiyon nito kung nais maglaro para sa pambansang koponan.

Sinabi mismo ni national coach Chot Reyes na patuloy nilang hinihintay ang desisyon ni Sotto na halos katulad sa sitwasyon ng Filipino-American na si Jordan Clarkson na patuloy pa rin na kinakausap ng pamunuan ng SBP.

SM food to go Banner Ad

“The SBP is the one that is doing the talks,” sabi ni Reyes. “Same with Kai,” sabi nito.

Sasagupain ng Pilipinas, na ginagamit ang torneo bilang paghahanda sa pagsabak nito sa iho-host ng bansa na 2023 World Cup, ang Cedars ng Lebanon sa Beirut sa Agosto 25.

Sunod nitong iho-host ang Saudi Arabia sa MOA Arena sa Pasay City matapos ang apat na araw. (Lito Oredo)