Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sarhento todas sa ambus

Patay isang pulis sa pamamaril ng mga hindi nakilalang riding in tandem suspect sa national highway sa Barangay Calicanto, San Juan, Batangas nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Romel Mapa Panopio, nakatalaga sa Batangas Police Provincial Office.

Batay sa report ng San Juan police, alas-3:40 ng hapon, nagmamaneho ng kanyang pick up van galing sa kanilang bahay sa Barangay Tipas, sa San Juan ang biktima at patungo sa headquarters sa Batangas City nang sabayan ito ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Ilang ulit itong pinagbabaril ng backrider at tinamaan sa itaas na bahagi ng katawan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mabilis ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa ospital ang pulis subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (Ronilo Dagos)