Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sanya, Rodjun, Ashley, Hannah sanib-puwersa sa DKNLK

NI:ROLDAN CASTRO

Sanib-puwersa ang apat na Kapuso stars para sa pinakabagong offering ng GMA award-winning weekly anthology show na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Agosto.

Tampok sa episode na pinamagatang ‘Madaldolls’ sina Sanya Lopez bilang Bubbles, Ashley Ortega bilang Blondie, Rodjun Cruz bilang Super Stan, at Hannah Precillas bilang Carrot.

Kasama rin sa makulay at magical episode na ito sina Tina Paner bilang Au, Crystal Paras bilang Luna, Vince Crisostomo bilang Zac, Lia Salvador bilang Rina, at Roxie Smith bilang Steph.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nitong Linggo, August 7, nakilala na ng Kapuso viewers si Rina na may-ari ng manikang si Bubbles. Itinuturing niya itong best friend na saksi sa nararanasang pambu-bully ni Rina. Dahil affected si Bubbles sa mga nangyayari, biglang nabuhay ito na parang tao.

Paano magbabago ang buhay ni Rina ngayong nakapagsasalita at nakagagalaw na ang manika na kanya ring matalik na kaibigan?

Subaybayan ang fresh episodes ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko: Madaldolls’ tuwing Linggo, 7PM, sa GMA-7.