Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ryza iniyakan ng anak sa eskwelahan

NI: BETH GELENA

Ibinahagi ni Ryza Cenon sa kanyang Instagram ang unang araw ng kanyang anak sa eskwelahan.

Ayon sa actress, umiyak daw si Night sa unang araw ng school nito dahil binaba lang niya ito sa paaralan.

Ani Ryza sa kanyang IG Stories, “First day of school ni Night kanina, umiyak siya kasi hindi siya sanay and super higpit ng school. Bawal parents or guardian sa loob as in i-drop off mo lang sila.”

SM food to go Banner Ad

Agad naman daw kumalma ang 2 years old niyang anak

“Ok naman daw si Night, mood swing lang daw siya hahahaha kasi first time niya pero masasanay rin siya eventually. Good job, Night sa first day mo natapos mo yung 2 hours,” ang excited na sabi ng celebrity mom.

Ang excitement na napi-feel ni Ryza para sa anak sa first schooling nito ay tulad lang ng ibang ina na nararamdaman ang saya kapag ang kanilang anak ay mag-uumpisa nang mag-aral.

“Ganun pala feeling kapag hindi mo nakikita kung anong ginagawa ng anak mo. Hindi ka mapakali, tapos lagi mong iniisip, ‘Ano kaya ginagawa niya?’ Or ‘Bakit ang tagal ng 2 hours?’ Bwahahahahaha kaloka!”