Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Robin bet na prime minister si Gwen Garcia

Bilib si Robin Padilla kay Cebu Gov. Gwen Garcia kaugnay ng executive order nito na nagpapaluwag ng panuntunan sa pagsusuot ng face mask sa kanilang lalawigan.

Ang Cebu ang unang lalawigan sa bansa na nag-utos na hindi na required sa outdoor at open spaces ang face mask, na kinontra naman ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Sa kabila nito, humanga si Padilla sa decision-making ni Garcia at para sa kanya ay swak itong maging prime minister sakaling maipatupad ang pederalismo sa bansa.

“Only Federalism can address this kind of political backlash,” saad ng senador sa kanyang Facebook post nitong Biyernes. “Governor Gwen Garcia.. A decision maker… A prime minister in my mind.”

Ang paglipat sa pederalismo ang isa sa mga panukalang nais itulak ni Padilla sa kanyang pagsabak sa Senado. (Mark Joven Delantar)