Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Regine opisyal na ka-‘momshie’ na sa Magandang Buhay

Kumpleto na ang ‘JoReMe’ sa pagpasok ni Asia Songbird Regine Velasquez bilang pinakabagong ku-momshie kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay.”

Ito ay kasabay sa pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng “Magandang Buhay” na naghahatid ng saya, inspirasyon, at kaalaman sa momshies, popshies, at anakshies araw-araw.

Pagbabahagi ni Regine, “Kabadong-kabado talaga ako. Excited ako syempre, siguro kasama lang yun na kapag naging host ka, there is a certain responsibility. I’m very happy to be part of ‘Magandang Buhay.'”

Pinasalamatan din ni Regine si Karla Estrada sa pagiging parte ng show sa loob ng anim na taon.

“Gusto rin natin magpasalamat kay momshie Karla whose been with ‘Magandang Buhay’ for six years. She had become part of this show, so thank you very much and happy anniversary na rin. Syempre bahagi rin siya ng ‘MB,'” dagdag niya.

Binahagi naman nina Jolina at Melai kung gaano sila kasaya na makakasama nila si Regine araw-araw sa show.

Ani ni Jolina, “It’s an honor to welcome ka officially bilang bagong ‘MB’ momshie.”

“Wala nang mas hihigit pa na sixth anniversary gift ang makasama ka namin dito every morning,” say naman ni Melai.

Nagpasalamat naman ang tatlo sa mga bumubuo ng 2022 Golden Laurel Awards sa pagkilala sa programa bilang Best Celebrity Talk Show ngayong taon.

Trending naman sa Twitter ang #MagandangBuhay at Ku-Momshie Queen Regine.

Kasabay naman ng pagpapakilala kay Regine, kinanta nilang tatlo ang bagong bersyon ng theme song ng kanilang programa.

Makakasama naman ng momshies sa kanilang patuloy na pagdiriwang ng ika-anim-azing na anibersaryo ang “Lyric and Beat” stars na sina Darren Espanto, Sheena Belarmino, Seth Fedelin sa darating na Martes (Agosto 9). (Dondon Sermino)