Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

‘Pinas top 4 patok na pasyalan ng mga Australyano

Pasok na naman ang ‘Pinas sa travel destination list! Patunay na ang ating bansa ay talagang tin­tingala pagdating sa turismo at ganda ng kalikasan. Sa pagkakataong ito, para naman sa mga Australian.

Sa listahang ibinahagi ng Finder, isang website na naglilista ng best lifestyle choices para sa mga Australian holidaymaker, pumang-apat ang bansa sa 10 travel destination chosen by and recommended for Australians.

Pinangunahan ng New Zealand ang nasabing listahan na sinundan ng Indonesia at pumangatlo naman ang Thailand.

Inilarawan naman ng mga manunulat ng nasabing artikulo ang ‘Pinas na bansa kung saan mo matatagpuan ang mga malilinaw at magagandang beach, malalagong kagubatan, at magaganda at mamahaling resort. Nirekomenda rin ng listing ang sisig at adobo bilang mga pagkaing kailangan mong tikman kapag bumisita sa bansa.

Karagdagan nito, ibinahagi rin ng Finder na April-May at November-December ang mga buwang maaaring hindi tag-ulan upang bisitahin ang ‘Pinas.

Talagang hinahanap-hanap ng mga banyaga ang ‘Pinas dahil bukod sa nasabing pagkilala, ayon sa website, ang Pilipinas din ang pangatlo sa most-searched destinations sa Agoda. Hindi rin nagpapahuli ang mga isla ng Pilipinas tulad ng Boracay at Palawan na kasama sa mga popular na beaches sa bansa. (MJ Osinsao)