Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Phivolcs binabala ‘Big One’ sa Cagayan

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na maaaring makaranas ng malakas na lindol ang Cagayan dahil sa tatlong aktibong fault line sa lalawigan.

Ayon kay Phivolcs science assistant Shally Marck Daguiao, posibleng yanigin ng mula magnitude 6.7 hanggang 7.2 ang Cagayan kapag gumalaw ang mga aktibong fault line na matatagpuan sa Sicalao, Lasam at Dummun River sa Gattaran at Taboan River sa Baggao.

Aniya,?maaaring?tumama ang magnitude 6.7 kapag gu­malaw ang fault line sa Sicalao; 7.2 sa Dummun River; at 6.8 sa Taboan River.

Mahigpit naman nila aniyang?mino-monitor ang mga aktibong fault line pero wala namang kagamitan?na?makakapag-detect?sakaling gumalaw ang mga bato sa ilalim ng lupa na magiging dahilan ng malakas na lindol.

Bukod dito’y idiniin din niya na wala naman talagang makakapagsabi kung kailan mangyayari ang lindol.

Dahil dito’y nagpalabas ng direktiba ang Cagayan provincial government na nag-aatas sa?kanilang?mga?empleyado, maging?sa?mga?paaralan?sa pagbubukas?ng?mga?klase, pribadong kompanya gayundin sa mga residente na maging alertro?at?makilahok?sa?isasagawang earthquake drills bilang paghahanda sa anumang posibleng mangyari.