Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

PBBM: Pelosi nagpatindi ng tensyon sa Taiwan vs China

MAS lalong nagdulot ng tensyon sa ASEAN region ang pagbisita sa Taiwan ni US House Speaker Nancy Pelosi.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa courtesy call sa Malacañang ni United States Secretary of State Antony Blinken kahapon.

Sinabi ng pangulo na maraming mga naging kaganapan sa buong linggo kabilang na dito ang pagbisita sa Taiwan ni Pelosi na nagpatindi ng tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.

“As we know this week, we had very many issues. The last few days have put in the fore some of them. The visit of House Speaker Nancy Pelosi, coming here, really just… I do not think,to be perfectly candid, I did not think it raised the intensity, it just demonstrated it — how the intensity of that conflict has been,” anang pangulo.

Pero sinabi ng pangulo na nasanay na ang mga kapitbahay na bansa at hindi nila ito masyadong pinagtutuunan ng pansin.

“It actually has been at that level for a good while, but we got used to it and put it aside,” dagdag ng pa¬ngulo.

Pero magkagayonman, sinabi ni Pangulong Marcos na dito makikita kung gaano pabago-bago ang sitwasyon sa mga pandaigdigang kaganapan hindi lamang sa Asya kundi sa iba pang bahagi ng mundo gaya ng nangyari sa Ukraine na kahit pinakamalayong bansa gaya ng Pilipinas ay ramdam ang epekto nito.(Aileen taliping)