Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Patron ng mga may sakit sa puso

Tuwing Agosto 17 ipinagdiriwang ang masayang kamatayan ni Santa Clara mula pa noong 1308 sa bayan ng Montefalco sa hilagang Italya. Sa bintana ng aming monasteryo sa Spoleto matatanaw ang kanyang kumbento.

Ipinaganak si Chiara Damiani taong 1268 sa rehiyon ng Umbria. Sa gulang na anim na taon sumapi siya sa samahan ng Orden Tercera ni San Francisco ng Assisi, sa ilalim ng pamumuno ng Kanyang kapatid na si Jauna.

Nang magdesisyon ang mga kasapi na bumuo ng komunidad at mamuhay nang sama-sama sa panalagin at pagpapakasit, binigyan sila ng Obispo ng Spoleto ng mga alituntunin na ayon sa mga Agostino.

Nang maitayo ang kumbento ng Santa Croce sa Montefalco noong 1290 Pumanaw ang kapatid ni Clara na si Juana, ang pinuno ng grupo. Nahalal si Clara bilang bagong pinuno ng komunidad.

Nabuhay na uliran sa lahat ng bagay si Santa Clara— sa pagsunod sa mga tungkulin sa kumbeto, sa pag-iingat ng katahimikan, sa pagpapakasakit at sa panalangin. Naging abala rin siya bilang tagapamagitan sa mga pamilya at tagapamayapa ng mga karatig na bayan.

Sikat din si Santa Clara noong kanyang panahon bilang exorcist at maggagamot dahil sa kanyang kakayahang magpagaling ng mga maysakit at mga naaalihan ng demonyo.

Nagpakita sa kanya si Hesus na saad kay Clara: ““I have been searching for a long time, daughter, to find a firm and solid place on which to plant My Cross, and I have not found one more suitable than your heart. You must receive it and allow it to take root.”

Nang mamatay ang santa, natagpuang nakalarawan sa kanyang puso ang krus ng Panginoon at ang ibagng kasangkapan na ginamit sa papapahirap sa Paniginoong HesuKristo— dahilan kung bakit tinawag din siyang Santa Clara ng Krus.

Hanggang ngayon, makikita pa rin ang mga labi ni Santa Clara na di nabubulok at ang kanyang puso sa bayan ng Montefalco. Kinilalang santa ng Simbahan si Clara noong 1881 ni Pope Leo XIII. Siya ang pintakasi ng mga may sakit sa puso.

Santa Clara de Montefalco, Ipanalangin Mo kami!