Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Partner ni Angelica umiyak

Nakakaaliw ang bagong uploaded YouTube vlog ng mag-partner na Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Ang title ng kanilang vlog, Cooking with the HOMANS. Habang nagluluto ang couple ay pinag-uusapan nila ang pagbubuntis ng aktres.

Habang nagluluto ay ipinakikita ang short video clip na naiyak si Gregg habang nagpapa-ultrasound si Angelica.

Sa isang bahagi ng vlog, nakiusap ang Kapamilya star na ipaghiwa siya ng sibuyas ni Gregg na mabilis naman niyang sinunod
“Nakakaiyak ‘yung sibuyas. Pero, alam mo ‘yung nakakaiyak? Nu’ng nakita namin ‘yung first ultrasound namin. ‘Yun ang nakakaiyak,” sambit ni Gregg.

Umapir ang mga kaganapan sa una nilang ultrasound. Makikitang nakahiga si Angge sa hospital bed habang ginagalaw sa tiyan niya ang ultrasound scanner.

Sobrang saya ng couple nang makita sa screen ang ultrasound ng kanilang baby.

Si Gregg ay napapunas pa ng luha sa sobrang kaligayahan.

Sadyang mapang-bully si Angge, aba habang pine-prepare na ang ilulutong manok, ginaya pa niya ang ugly cry ng dyowa nang makita ang kanilang baby.

Sey ni Angelica, “Paano yung iyak mo?” Tugon ni Gregg “Ugly cry.” Na sinagot uli ng aktres ng, “Tumatawa ka nu’n e.”

At marunong na ring magtipid ang soon-to-be mom.

“Sayang puwede pa yan. Dapat hindi tayo nagtatapon ng bagay-bagay. Ang hirap na ng panahon ngayon napakamahal ng gulay ng kung ano-ano.”

Sagot naman ng kanyang partner, “Gasolina ‘di ba ang mahal na?” Na sinagot ng aktres ng, “Ikaw mahal kita! Hahahaha!”

“In feyr, bagay na bagay sila and mukhang happy naman si Angge kay Gregg. Pareho silang in love na in love sa isat isa.”

“Ganda ng vibes nyong mag jowa. Bakas sa muka nyo ang happiness at contentment. Happy for you Angge na nkita mo rin ang THE ONE mo. You deserved both each other. God bless you TWO.”
@@
Gastos sa kasal sayang
May panghihinayang ang isang netizen sa nangyayaring hiwalayan sa showbiz.

“Sayang lang ginastos sa mga kasal. Sayang ang mga investments, panahon, memories at mga plano. Luging lugi talaga kapag naghiwalay. Natural minsan dahil sa pag -aaway mawawala ang love, pero manalangin para sa sarili at sa asawa. May demonyo na gustong sumira sa pamilya dahil pag nasira na ang mag-asawa, damay na mga bata. Miserable na at yun ang gusto ng demonyo, maging miserable tayo. Kung kaya pangi-iwork out, iwork out. Magpatawad. Mahirap magsimula muli.”

May point siya!