Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Panty, relo ni titser ninenok ng maid

DINAMPOT ang isang katulong nang marekober sa kuwarto nito ang mga ninakaw na gamit kabilang ang panty ng dating amo sa Imus City, Cavite, Martes ng gabi.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Emily Formaran y Gregorio, 40, dahil sa reklamo ng dating amo na si Nerrisa Rendon y Nillos, 36, isang teacher.

Sa ulat ni Corporal Joselle Hernadez, ng Imus City Police, ipinatawag ng barangay ang suspek nang ireklamo ni Rendon hinggil sa nawawala niyang gamit.

Nagkasundo si Rendon, suspek at barangay na puntahan ang kuwarto ng bagong pinapasukan ng suspek sa Brgy Malagasang -F, Imus City kung saan narekober ang isang G Shock at isang Casio na relo at ilang underwear na pag-aari ng una. (Gene Adsuara)