Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nierva, mga tropa umiiwas sa injury

PABOR si National University (NU) Lady Bulldogs senior libero at team captain Jennifer Nierva sa pagtanggi ng koponan na sumabak sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na naging siklab para pagdesisyunang tanggalin ang buong grupo sa darating na Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women’s sa Agosto 21-29 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Inilabas ng 22-anyos na Best Libero ng nagdaang 84th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang panig sa hakbang na alisin ang champion core sa national team ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) nitong Lunes matapos tumanggi ang team manager ng unibersidad na si Engr. Mariano See Diet na paglaruin ang grupo dahil sa pangambang masaktan o ma-injured ang grupo.

“Our safety is the top most priority,” pahayag ni Nierva sa kanyang tweet nitong Lunes ng gabi patungkol sa kahalagahan ng matinding pag-iingat ng koponan na nakatakda sanang isalang sa professional league bilang paghahanda sa AVC Cup na rekumendasyon ng head coach ng national squad na si Brazilaian Jorge Souza de Brito.

Gayunpaman, idinagdag ni Nierva, na babalik para sa huling season kasama sina Princess Robles at Joyme Cagande, na lubos silang nagpapasalamat sa ibinigay na opurtunidad na maging parte ng national team na nangakong mas lalo pang pag-iigihan ang pagpapalakas at pagpapakahusay sa naturang larangan.

“Still, we’re grateful for everything. This will not stop us from mastering our craft,” wika ng 22-anyos na Best Libero ng nagdaang season. “I know that no efforts nor sacrifices would be wasted. Time to work harder and come back stronger.”

Nakatakda sanang humalili ang national squad na binubuo ng 12 manlalaro galing sa NU Lady Bulldogs, gayundin sina Jelai Gajero ng California Precision Sports at Trisha Genesis ng Akari bilang ika-13th at 14th na manlalaro ng koponan, matapos na umatras ang Kobe Shinwa women’s University sa paglahok sa PVL matapos magpositibo ang isa sa manlalaro nito sa COVID-19. (Gerard Arce)