Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nic ‘halimaw’ kumanta

NI: ROLDAN CASTRO

Huhusgahan ngayong gabi si Nic Galano sa kanyang solo concert sa Music Box, Timog, QC.

Inaasahan na ng entertainment press na ‘halimaw’ ito sa entablado dahil sa ganda ng boses

SM food to go Banner Ad

Si Nic ay hawak ng ARTalent Management ni Dr. Art Cruzada.Mukhang mahiyain si Nic pero ‘pag kumanta ay nababago ang personalidad.Bigay todo siya sa kanyang performance.

Ayon kay Nic seryoso na siya sa kanyang singing career. Pinipilit din niyang tanggalin ang pagiging mahiyain.“Alam ko po kasing kailangang makipag-interact, siguro po ay unti-unting masasanay din ako. Ayoko namang sayangin ang oportunidad para makilala ako sa showbiz bilang magaling na singer-performer,” deklara niya.Anyway, excited na si Nic sa kanyang unang concert ngayong gabi sa Music Box.