Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nathalie nakabingwit ng mayamang afam

Engaged na si Nathalie Hart sa dyowang afam na si Brad Robert.

Marami nga ang nagulat dahil tahimik lang ang seksing aktres tungkol sa kanyang lovelife.

Tapos, bigla itong nag-post sa Instagram ng sweet moment nila sa naganap na wedding proposal.

“Second chapter. I said yes #engaged,” caption ni Nathalie.

Feeling prinsesa nga raw ang aktres sa bonggang dekorasyon sa proposal. Napalibutan ng red roses ang paligid. May neon lights sa glass window na may nakasulat na “Will you marry me?” at punong puno rin ng scented candles ang intimate dinner nila.

Todo flex din sa Nathalie ng engagement ring na mula kay Brad.

Ngayon lang lumitaw sa mga netizen ang dyowa ni Nathalie kaya walang nag-expect na ora-orada, ay ikakasal na pala ito.

In fairness, mukhang mayaman si Brad, huh!

Inulan ng pagbati para sa couple mula sa kanilang friends and family.

May isa nang anak si Nathalie sa ex nitong Indian national, si Penelope na madalas din niyang i-post sa kanyang IG. (Batuts Lopez)