Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Nakamotor tumalsik, nagulungan ng mixer

Namatay noon din ang isang rider nang salpukin ng nasa likurang mixer truck at magulungan pa sa aksidente sa Quezon City, Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay si Henry Sumigao Guianan, nasa hustong gulang, taga-Area B, Batasan Hills, QC.

Agad namang inaresto ang driver ng Sany Mixer truck na may conduction sticker number N1 U945, na si Daniel Calimquim.
Sa report ng Quezon City Police District Traffic Sector 3, ika-5:28 ng hapon (August 10), nang maganap ang aksidente sa Elliptical road sa kanto ng Commonwealth Avenue.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PSSG Jaime A. Samson ng Traffic Sector 3, kapwa binabaybay ng biktima sakay ng Honda wave Motorcycle [1366-0340455] at ng driver ng Mixer Truck ang Elliptical road galing Kalayaan nang pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok ng mixer ang likuran ng motorsiklo ng biktima dahilan upang bumagsak ito.

Dahil hindi agad napreno ng driver ang trak ay nagulungan pa ang rider na ikinasawi nito. (Dolly B. Cabreza)