Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Malixi kumasang pumangalawa

DINAIG ni Rianne Mikhaela Malixi ang mga Amerikanang sina Kiara Romero at Julia Misemer sa maangas na front nine, pero bahagyang nangapa sa back nine at nakuntento sa 69 upang maungusan ng dalawang palo ng Kana ring si Kaitlyn Schroeder sa trono sa wakas ng 46th Girls Junior PGA Championship sa Cog Hill Golf and Country Club-Ravine Course sa Palos Park, Illinois nitong Sabado (Manila time).

Kontrolado ng 15 taong-gulang na Pinay parbuster na pinapadrinuhan ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) ang paglahok dito hanggang kalatian ng pinaleng yugto ng apat na araw na paluan sa 3, pero lumamya sa 37 para sa 276 at pumangalawang puwesto sa 156 na mga naglaban.

May pares na 33 sa pagtapos ni Schroeder sa 72-hole total na 14-under 274 upang magkampeon, samantalang tumersera si Romero sa 71-277. Tumabla sa dalawa pang kalahi niya si Romero para sa pang-apat sa 280.

Sunod kay Malixi ang 122nd US Women’s Amateur Golf Championship sa Chambers Bay ng University Place sa Washington sa Agosto 8-14 na may 156 ding mga kalahok. Kakasa rin ang dalawang pambato ng ‘Pinas na sina Nicole Abelar at Tomi Arejola. (Ramil Cruz)