Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Male personality problemado sa datung

Wala nang masyadong balita tungkol sa isang pamosong male personality pagkatapos siyang hamunin nang sangkatutak na problemang pampinansiyal.

Wala pang pandemya ay may matindi nang hinarap na problema sa pananalapi ang male personality, maraming nagreklamo laban sa kanya na umabot pa sa radyo at telebisyon, sirang-sira ang kanyang pangalan nang dahil du’n.

Dagdag na impormasyon ng aming source, “Nu’ng malapit na ang eleksiyon, nagkaroon na naman ng issue tungkol sa kanya, pera na naman! May nakaaway pa siyang hindi iba sa kanya nang dahil du’n!

“Maraming problemang pampinansiyal ang taong ‘yon at walang ibang dapat sisisihin sa nangyari sa kanya kundi siya mismo!” reaksiyon ng aming impormante.

Maayos naman sana ang takbo ng kanyang buhay nu’ng kasagsagan ng kanyang career. Marami siyang ginagawang proyekto nu’n dahil may isang tagong personalidad na becki na sinasandalan ang male personality.

Patuloy ng aming source, “Wala siyang katalo-talo nu’ng time na ‘yun dahil palagi siyang naka-cast sa kahit anong project na ginagawa ng kilalang gay director-writer!

“Pelikula, serye, sa kahit ano, kasama siya! Pero meron siyang naging bisyo! ‘Yon ang sumira sa buhay niya! Mula nu’n, nagbago na ang takbo ng finances niya, nagkalubug-lubog na siya!” impormasyon pa ng aming source.

Pumasok sa ibang linya ang male personality, masipag naman siya nu’ng una, pero nu’ng bandang huli ay marami nang naibutas ang kanyang mga nasasakupan. Humina na ang karisma niya sa mga botante.

“Paano nga, pagkatapos ng work niya sa TV, saan na siya nakikita? Nakaupo na siya at pindot nang pindot sa makina sa isang pabolosong lugar na malamig at maingay!

“Umaga na siyang umuuwi, kulang na kulang siya sa tulog at pahinga, halos hindi na rin siya nakapaglilingkod sa sinumpaan niyang tungkulin sa mga kababayan niya!

“Sayang na career, nawala nang paganu’n na lang, wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili lang niya dahil nagpakalulong siya sa pagsusugal.

“Tapos nang matagal ang relasyon nila ng naging backer niya para magkaroon siya ng mga projects, wala na siyang maaasahan ngayon, kaya nganga na ang male personality!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.