Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Luis pigil buntisin si Jessy

NI: Archie Liao

Masaya ang naging tsikahan ni Ogie Diaz at ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Sa kanilang pag-uusap, sinariwa ng talent manager turned vlogger kung gaano naging mapagbigay sa kanya si Luis.

Bilang kaibigan, kapag nagkikita raw sila ng anak ng Star for all Seasons lalo na sa dressing room, tumutudyo raw niya itong magpakita ng kanyang makinis na puwet at game naman daw na tumatalima si Luis.

Ayon naman kay Luis, ganoon daw siya ka-transparent sa mga taong kakilala niya.

Sa naturang vlog din ni Mama Oggs, nabanggit din niya kung nape-pressure raw ba si Luis kapag laging inuurot ng maraming tao kung kelan sila mag-aanak o magdadagdag ng miyembro sa kanilang pamilya ng misis.

Sey naman ni Luis, mas napre-pressure raw si Jessy kapag tinatanong ng ganoong mga bagay.

Hindi rin daw siya nao-offend kapag inuurirat tungkol dito.

Hiling lang niya sa mga nagtatanong at maging sa netizens, na sana raw ay maging sensitibo sila sa kanilang pang-uusisa.

Iba-iba raw kasi ang pinagdaraanan ng mga tao . May mga rason na minsan ay sila lang mag-asawa ang nakakaalam tulad na lamang ng mga prayoridad nila sa trabaho kasama na ang kahandaan sa pagpasok sa ganoong stage.

Dagdag pa niya, sa huli, sila rin daw naman ang magkatuwang sa pagpapalaki ng kanilang magiging anak at hindi ang ibang tao.

Naniniwala kasi siyang bawat tao ay may sariling time frame at darating ito sa panahong hindi kailangang madaliin.

Kumbaga,dahil sa mga prayoridad na ito, aminado siyang pigil muna siyang buntisin ang asawa na mutually ay napag-usapan din naman nila.

Tungkol naman sa pagpatol niya sa mga basher, aminado si Luis na malakas siyang mag-asar.

Hindi raw dahil sa wala siyang ginagawa most of the time. Madalas ay nasasakto na ang nababasa niyang pamba-bash ay nangyayari sa pagkakataon na gumagamit siya ng kubeta.

Nilinaw niya na hindi raw naman siya iyong tipong pikon pero nasa personalidad daw talaga niya ang pagiging alaskador.

Katunayan may pagkakataon nga raw na kumasa siya sa hamon ng isang basher na magkita sila sa isang lugar at yayain itong makipag-inuman kung hindi man makipagbardagulan.

Pero, noong nasa lugar na raw siya na pinagkasunduan nilang mag-meet ay no show daw ang nasabing basher.

Dahil lumaki sa showbiz, nasanay na rin daw siya sa detractor kaya tinatawanan na lang daw niya ang mga kumukuwestiyon sa kanyang sexual orientation.