Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

LTO sinita ng COA pagbayad sa IT contractor

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Land Transportation Office (LTO) sa kuwestyonableng pagbabayad sa German information technology (IT) contractor na Dermalog sa kabila ng mga kapalpakan nito sa P3.19 bilyong Road IT infrastructure project.

Sa 2021 Consolidated Annual Audit Report (CAAR) nasilip ng komisyon na tinanggap ng LTO ang core applications ng Dermalog kahit may kakulangan at aberya ito. Lantaran umanong nagdulot ito ng ‘undue payment’ sa contractor at pagka-agrabyado sa panig ng gobyerno. Kabilang sa tinukoy ng COA na core applications ang Driver’s Licensing System (DLS) at Motor Vehicle Inspection and Registration System (MVIRS) ng Land Transportation Management System (LTMS) na nakapaloob sa P3.19 Bilyong DOTr Road Transportation Infrastructure Project (LTO-Component A).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang sinita ng COA ang LTO sa kanilang audit report noong 2020 dahil din sa maling pagbabayad sa dayuhang IT contractor. Ilang beses ding pinalawig ng LTO ang deadline para mapagbigyan ang Dermalog na nagdulot ng pagkalugi sa pamahalaan at malaking perwisyo sa publiko.

Kinumpirma rin ng bagong upo na si LTO chief Atty. Teofilo Guadiz na magpapalit sila ng bagong IT provider matapos matuklasan ang kapalpakan nito tulad ng limang araw na pagkuha at pag-renew ng lisensya.