Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lorin, Venice, Yilmaz reunion bumaha ng luha

Bumaha ng luha, kaligayahan, sa Instagram ni Ruffa Gutierrez nitong Sabado ng umaga, dahil sa video post niya, na finally ay nakasama na ng mga anak niyang sina Lorin, Venice, ang amang si Yilmaz Bektas sa Turkiye.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart. #NewBeginnings #TogetherAgain #Yilmaz #Ilknaz #Lorin #Venice,” sabi ni Ruffa sa video, na may background music na ‘Love Story’ (Where Do I Begin).

Sa airport, makikita nga ang isang lalakeng nakaputing long sleeves, na naglalakad, at papalapit nga kina Lorin, Venice. Makikita rin na mula sa likod ay niyakap ng lalake ang dalawang bagets.

At yes, si Yilmaz nga ang naturang lalake, at maluluha ka talaga sa naging reaksiyon nila, mahigpit na yakapan, at maalab na paghalik sa noo, pisngi.

“Made me tear up. So happy for them,” sabi ni Raymond Gutierrez.

“God is good all the time,” sabi ni Jinkee Pacquiao.

“So happy for you girls,” sey ni Sarah Lahbati.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha nina Lorin, Venice, Yilmaz, habang magkakayakap. Panay ang halik ni Yilmaz sa mukha, noo ng kanyang mga anak.

I’m sure, maluha-luha si Ruffa habang pinu-post ang video na `yon sa Instagram, TikTok. (Dondon Sermino)