Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lola grabe galit sa bumaril, bumugbog kay Cardo Dalisay

Lalong tumaas, dumami ang ‘concurrent viewers’ ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa panahong nakahandusay siya, ha! Mas nag-abang talaga ang mga manonood kung patay na ba, o naghihingalo, o mabubuhay pa ba si Cardo Dalisay.

Well, alam naman natin ang sagot sa mga tanong na `yan. Na oo naman, mabubuhay pa si Cardo.

Anyway, usap-usapan nga ang “FPJ’s Ang Probinsyano” lalo na at nasa bingit ng kamatayan si Cardo.

Talagang tutok na tutok ang mga fan ng FPJAP dahil sunod-sunod ang pagtala nito ng most concurrent viewers sa Facebook at YouTube, lalo na at nasa bingit nga ng kamatayan si Cardo matapos pagbabarilin at pagbubugbugin nina Lily Cortez, Secretary Lito Valmoria, at iba pa.

Dahil dito, trending din kamakailan si Lola Teresita na habang pinapanood ang pagpapasakit kay Coco Martin sa FPJAP, na may higit 11 million views online. Makikita kasi si lola na talagang napapatili, napapamura, at napapataklob ng mukha pag nakikitang pinahihirapan ang bida nito. Hirit nga niya, papatayin na raw niya ang TV tutal eh mukhang papatayin na si Cardo.

May update pa nga kay Lola Teresita sa social media nang malamang ginagamot ngayon si Cardo at may pag-asang mabuhay ang kinagigiliwan niyang bida.

Anyway, bongga rin ang palitan ng linya ng mga karakter nina Angel Aquino at Shaina Magdayao, ha!

“Akala ko ba mga agila kayo?!  Nawala lang si Cardo, nalimutan niyo nang lumipad? Ayaw niyo nang makipaglaban? Ngayon pa ba? …Hindi ito ang panahon para panghinaan tayo ng loob! Tayo na lang ang lumalaban para sa bansang ito. Tayo na lang!” sabi ni Angel.

Tugon naman ng karakter ni Shaina, “Pasensya na, general! Pero ang tagal na nating ipinaglalaban kung ano’ng pinaniniwalaan natin, pero pilit tayong isinusuka ng bansang ‘to! Pagod na pagod na akong makipaglaban. Gusto ko na lang bumalik sa pamilya ko. Sila ang pinaka-importante sa akin ngayon.”

Todo-puri naman ang mga manonood sa Kapamilya Online Live habang sinusubaybayan ang mga susunod na kaganapan kina Cardo at ang buong Task Force Agila.

 “Ang galing ng episode na ito showing their vulnerability and weaknesses at nag papakita na tao lang sila. Ang gagaling umarte nilang lahat. Thank you everyone!” saad ng manonood na si Jessica Neri. (Dondon Sermino)