Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Liza mas gumanda sa piling ni James kesa kay Enrique

“Are they dating?” Iyan ang pangmalakasang tanong para sa soon star in a Hollywood movie Liza Soberano at kanyang manager, ang papable papa from Down Under, si James Reid.

Imbes na maglulundag sa tuwa ang mga nanalig sa kakaibang ganda nitong si Soberano na kasama sa “Lisa Frankestein” movie niya sa Amerika, mas inuurirat ang larawan nila na bumulaga sa socmed na hubad baro si James.

Kahit pa nga ang Hollywood A-lister na si Cole Prouse na-follow na nila ang isa’t-isa, dahil nga sila ang magka-tandem sa movie, ang pakels ng mayorya, iba ang naibibigay na kumpiyansa ni James sa kanyang bagong alaga.

Hindi pinababayaan ni James si Liza, huh! Hindi drawing ang Hollywood dream at mas lalong hindi oh promise me dahil nga ang “Lisa Frankestein”, si Diablo Cody lang naman ang screenplay writer.

Kaya kung mas excited kayo sa “after glow” effect ni James Reid kay Liza Soberano, hindi ko na kayo sisihin diyan dahil kitang-kita naman ang ebidensya. Hindi siya ganyan kaganda nu’ng sila pa ni Enrique Gil, hindi ba naman? At kung naging mausisa kayo sa Hollywood movie ni Liza, ipagdasal nating maging malaking tagumpay ang “Lisa Frankestein” dahil yabang Pinoy in a good way ang development na ito, sa true lang.