Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kathryn, Nadine panis kay Soberano

Ibinahagi ni Liza Soberano sa kanyang Instagram account ang breaking news tungkol sa pelikulang “Lisa Frankenstein” na kasama siya sa cast .

Hindi pa idinetalye kung ano ang magiging role ni Liza sa nasabing Hollywood movie.

Sa mga naunang entertainment news, ang naturang pelikula ay pagbibidahan nina Kathryn Newton at Cole Sprouse.

Dinagsa naman ng congratulatory messages si Liza sa pagkakasama niya sa nabanggit na Hollywood movie.

Natupad na raw ang pangarap nitong maka-penetrate sa Hollywood.

May ilan namang nanglait na supporting at hindi bida ang role o participation ni Liza sa “Lisa Frankenstein”. Marahil ay isa umanoi ito sa mga biktimang kakatayin sa horror-comedy.

May pumuri naman kay Liza dahil nag-pay off na raw ang effort nito na matupad ang American dream.

Hindi raw biro na makapasok sa Hollywood kahit pa supporting ang role nito lalo pa’t very stiff ang competition dito.

Hindi rin maiwasang ikumpara si Liza sa kanyang contemporaries na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Kinabog na raw ng girlfriend ni Enrique Gil at talent ni James Reid ang dalawa dahil pang-international na ang beauty at level nito.

Marahil ay stepping stone lang daw nito ang support role niya para magka-career sa Hollywood na hindi pa nagagawa nina Kath at Nadine.