Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Karla iniyakan ala-ala kay Daniel

Naging emosyonal si Karla Estrada sa mga netizen na nagta-tag sa kanya ng lumang photo nila ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Marahil para sa mga netizen, sobrang cute kasi dito ng bidang aktor sa “2 Good 2 Be True” pero para kay Karla, espesyal sa kanya ang moment na iyon.

“A lot of people tagging me some pictures…me as a 20yr old momshie and 1yr old @supremo_dp (*Daniel Padilla IG). Walang malalim na dahilan sa kanila masyado ang eksena na ito.

“Pero sa akin napaka-importante ng guesting na ito dahil dito unang nakita sa Daniel sa telebisyon at isa ito sa pinakamaligayang araw ng buhay ko dahil sa araw na ito buong pagkatao kong ipinagmalaki na ako ay isang batang ina,” caption ni Karla sa kanyang Instagram post.

Teary eyed pa sa photo nila ni Daniel ang aktres noong ipakita sa madla na may anak na siya noon.

Sino nga ba naman ang mag-aakalang magiging hottest star sa bansa ang cute na cute na batang iyon? Blessing pa nga iyon na maituturing ni Karla dahil nang dumating si Daniel, mas lalo siyang naging palaban sa hamon ng buhay.

“May anak na nagbigay sakin ng pangalawang pagkakataon na magsipag pa sa buhay!

“Mabuhay ang mga nanay na matibay!” hirit pa ni Karla.

In fairness, halos walang pinagbago ang mukha ni Karla noon sa ngayon ha! Super ganda pa rin!

At siyempre pa, si Daniel, napaka-charming na kahit musmos pa noon! (Batuts Lopez)