Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Joel Lamangan sakim, gurang na – Darryl Yap

Tahasang sinabi ni “Maid in Malacañang” director Darryl Yap na selfish o sakim si Direk Joel Lamangan sa paraan ng pag-atake ng huli sa kanyang pelikula.

Mataas umano ang paggalang ni Yap kay Lamangan dahil matagal na ito sa industriya at sa katunayan ay isa ito sa kanyang naging mentor.

Tinanong nga ni Boy Abunda sa “The Interviewer” YouTube channel si Darryl sa mga sinabi ni Lamangan na katarantaduhan, pagliliko sa katotohanan at paggamit ng pera ng bayan ang “MIM”.

“When I first heard it, kinilig ako. P*cha nakaka-provoke na ako ng Joel Lamangan. Because he’s one of the Gods. That’s how I see him,” panimula ni Yap.

Kilala umano niya si Lamangan na very passionate about Martial Law. Kaya naiintindihan nito kung saan ito nanggagaling.

Pero dahil sa recent na komento ng batikang direktor laban sa pelikula niya, nagbago ang pagtingin niya rito.

“Noong nag-sink in na sa akin, I’m starting to think if he’s really magaling,” sabi ni Darryl.

Hero pa naman daw ang turing niya kay Direk Joel.

“Itong manlilikha ng pelikulang ito, na idolo ko, nagsasalita tungkol sa pelikulang una, hindi pa niya napapanood. Pangalawa, hindi pa tapos. So sabi ko, hinayaan ni Direk Joel na mauna ang kanyang emosyon kaysa sa kanyang utak pagdating sa ganito?” dagdag pa ni Yap.

Nagduda pa nga raw siya sa dahilan ni Direk Joel kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya at sa kanyang pelikula.

“So noong naisip ko ‘yon, ang unang pumasok sa isip ko Tito Boy, ito ba ay promotion sa paparating niyang pelikula? Ito ba ay para hindi kumita ang pelikula ko? ‘Pag inaabogado ko siya sa sarili ko, lahat negative eh.

“I find Direk Joel very selfish. I mean it’s as if he has the monopoly of stories and of the truth. No offense, but I think he’s old na to do that.

“Paano kung mapahiya siya ‘pag napanood na niya ‘yung pelikula?” banat pa ni Darryl.

Kung meron man daw na sinabing maganda si Direk Joel, ito’y nang sabihin nitong papanoorin niya ang pelikula ni Darryl.

During the interview rin, inilarawan ni Darryl ang kanyang sarili na papansin, humahanap ng paraan para mabuyo ang mga tao sa kanyang mga layunin.

At sa layo na ng kanyang narating, mas lumala pa raw umano ito.

“Alam ko na kung paano manggagalit ng tao na hindi ako mapapahamak.

“I want to hurt people talaga. Not in the sense na to hurt them that will leave scars. But I want to hurt them so they’ll pay attention,” esplika pa ni Darryl. (Batuts Lopez)