Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Janno nagpatusada kay Direk Darryl

Nagpauna na ang singer/actor na si Janno Gibbs na ‘wag raw sanang seryosohin ng mga pipick-up na news portal ng kanyang Instagram post.

May post kasi ito addressing the controversial director na si Darryl Yap. Sabi ni Janno, “Direk Daryl, gawan mo naman ng movie ang buhay ko. Request: Gawin mo kong matangkad, matangos at hindi nale-late sa work. Wag mo na rin isama yung mga chicks na na-link sakin.”

At sa caption niya, sinundan ito ni Janno na, “Labyu Direk. Babala: Sa mga news portal na mag pick-up nito, ‘wag nyo tanggalin yung emojis at gawing seryoso ha!”

Ang mga emojis na ipinost niya at laugh, peace at heart.

Marami naman ang natawang follower ni Janno sa kanyang post. Pero may humirit din sa kanya na, “Historical revisionism ‘yan Sir Janno ha hehehe joke!”

“Hahaha pwedeng-pwede po siguro yan lalo na ngayon baligtad na ang situwasyon!”

Nireplayan na lang ito ni Janno ng dalawang taas-kamay na emojis.

Andi, Gabby, Ryan, Geoff binalikan magagandang ala-ala kay Tita Gil

Kahit matagal nang alam ng mga pamangkin ng namayapang actress na si Cherie Gil ang kalagayan niya, hindi pa rin naging madali para sa lahat na malamang pumanaw na nga ang kanilang Tita.

Kung ayaw magpatawag ni Cherie ng “Tita” sa mga hindi niya totoong kadugo o pamangkin, not of course, sa mga pamangkin niya na lumaking malalapit sa kanya.

Simpleng “I love you” na caption ang ipinost ni Geoff Eigenmann sa kanyang Instagram stories habang tuwang-tuwang karga ng actress ang isa sa mga anak niya.

Sa mahabang caption na ipinost ni Max Eigenmann, mararamdaman talaga ang matinding closeness at bond nilang mag-tita. Ayon kay Max, ang actress daw ang kanyang “glass of wine” at the same time, ang “hugs” na kailangan niya palagi.

Para kay Gabby Eigenmann naman na talagang nahirapan daw noong una nitong malaman na wala na nga ang kanyang tiyahin, “Posting these pics is so hard… you guys are together again. I love you with all my heart. Thank you Lord for sharing them with us… I love you TITA.”

At si Andi Eigenmann na maituturing na ngayon ang memories niya with Cherie sa Siargao ang pinaka-memorable.

Ayon kay Andi, “You were there in most, if not all of my life’s milestones, but my favorite was being with you here during my first time on this magical island. Wouldn’t have had it any other way.

“The one who inspires me to always stay true to my authentic self.”

Sa isang banda, naglabas na rin ng official statement ang pamilya ni Cherie. At dito nga nila inihayag na noong October 2021, na-diagnose ang actress, after na mag-relocate sa New York ng rare form of endometrial cancer. Mismong request daw nito to keep it private.

Pero lumaban daw ang actress sa kanyang Big C with grace and strength. At nagpapasalamat din silang lahat sa mga pagdamay, suporta at pagmamahal na ibinibigay ng lahat sa actress a sa kanilang pamilya.

Jeffrey enjoy sa erotic genre

Nagulat kami kay Direk Jeffrey Hidalgo sa naging rebelasyon niya sa naging zoom mediacon ng bago niyang Vivamax movie, ang “Lampas Langit.”

Hindi maiaalis na marami ang nagugulat dahil bilang isang director, nalilinya siya sa mga sexy films talaga. Tulad na lang ng “Lampas Langit” na pinagbibidahan ng isa sa pinaka-palabang Vivamax star na si Christine Bermas.

Eh, siyempre, kilala si Direk Jeffrey bilang isang wholesome singer and even actor. Pero pag-amin niya, ang sexy genre na ginagawa raw niya ngayon ay ang pangarap niya talagang magawa, huh!

“Nang magsimula pa akong magdirek, tina-target ko na talaga ang erotic genre. Like I’ve said, Lampas Langit is my supposedly second film right after Silong.

“Because Silong is my first directorial film na romantic thriller.”

Binigyan daw siya ng maraming script ng writer na si Racquel Villavicencio at ang Lampas Langit daw ang napili niya dahil feeling niya, ito ang perfect follow-up niya sa Silong.

“Para siyang step-up from romantic thriller to erotic thriller. Pero siyempre, nandon pa rin ako sa dapat maganda ang story, ang material,” sey niya.