Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jane muntik maudlot sa Darna

NI: ARCHIE LIAO

Maraming naging setbacks ang Darna bago ito natuloy sa Kapamilya network.

Bukod sa pagpapalit ng cast at mga director, mula pelikula ay naging serye ito.

Nagkaroon din noon ng aberya ang proyekto nang hindi ma-renew ang franchise ng ABS- CBN.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon pa kay Jane de Leon, sinabi na raw sa kanya noon na shelved na ang naturang proyekto bilang pelikula.

Wala na rin daw naman siyang expectation na matutuloy ito. Feeling niya ay may ibang plano si Lord sa kanya.

Nagulat na lang daw siya nang sabihin sa kanya pagkatapos ng mahabang paghihintay na matutuloy na ang ‘Darna’ bilang serye.

Tampok din sa cast sina Janella Salvador, Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla, Rio Locsin, Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Young JV, LA Santos at marami pang iba.