Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Israel, Palestinian militant group nagkasundo sa tigil-putukan

Nagdeklara ng tigil-putukan ang Israel at ang militanteng grupong Palestinian Islamic Jihad matapos ang tatlong araw na palitan ng atake sa Gaza na ikinasawi ng mahigit 40 katao.

Sa magkahiwalay nilang pahayag, kapwa nagpasalamat ang kampo ng Islamic Jihad at Israel kay Egypt President Abdul Fattah al-Sisi na siyang pumagitan para wakasan ang karahasan sa Gaza Strip.

Ayon sa mga opisyal ng Gaza, 44 Palestinian na karamihan ay mga sibilyan at bata ang namatay sa tatlong araw na putukan.

Inilunsad ng Israel ang pre-emptive strike noong Biyernes bilang ganti sa inakala nitong atake ng Islamic Jihad na may layong ipaghiganti ang pag-aresto sa lider nila na si Bassam al-Saadi.

Ginantihan ito ng grupo ng daan-daang mga rocket sa Israel kasabay ng banta na gagawin nila ang lahat para mabawi si al-Saadi.