Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Habulin ang nanagasang RAV4 driver

Matigas talaga ang may-ari at nagmamaneho ng nanagasang RAV4 ng isang guwardiya na nagmamando ng trapiko sa isang mall sa Mandaluyong.

Inindiyan nito ang LTO na nagpatawag sa kanya para pagpaliwanagin sa insidente dahilan para muling mag-isyu ng show cause order ang LTO.

Ibang klase ang angas ng nasa likod ng aksidenteng ito. Lantaran na itong napanood sa social media at nabalita na rin sa telebisyon kasama ang nakakakilabot na video pero parang wala lang.

Parang walang werpa ang Philippine National Police (PNP) na nag-iimbestiga sa kaso. Hinarang sila ng mga guwardiya sa lugar kung saan nakatira ang nagmamay-ari ng RAV4 at ganun na lang.

Ang konsolasyon na lamang natin ay ang gagawing pagsasampa ng kaso ng PNP sa mga sikyo ng subdibisyon sa Quezon City na hindi nagpapasok sa mga pulis para kornerin o imbestigahan ang sangkot na nagmamay-ari ng nanagasang sports utility vehicle.

SM food to go Banner Ad

Anong klaseng tao kaya ang nasa likod ng aksidenteng ito dahil pati mga awtoridad ay pinapaikot-ikot? Ganun ba talaga ito kaimpluwensiya para baliin ang batas at dedmahin ang mga patawag ng LTO at PNP?

Base sa pinakahuling aksyon ng Mandaluyong Police ay kinasuhan na ang tatlong security guard personnel ng subdibisyon.

Ayon kay Mandaluyong police Chief PCol. Gauvin Mel Unos, sinampahan na nila ng kasong obstruction of justice ang tatlong naka-duty na security guard personnel ng Ayala Heights Subdivision sa Old Balara, Quezon City.

Hanggang ngayon ay blangko ang PNP kung sino ang nagmamaneho ng nanagasang SUV, wala kasi itong hawak na ebidensya na ang nakarehistrong si Jose Antonio San Vicente ang may hawak ng manibela nang mangyari ang kahindik-hindik na tagpo.

Bagama’t hindi pa nakikilala ang tunay na nasa likod ng pananagasa ay patung-patong na kaso naman ang kahaharapin ng SUV driver kabilang ang kasong frustrated murder, hit and run, reckless imprudence resulting in physical injuries na isinampa na ng pulisya.

Gayunman ay umaasa pa rin tayong mananaig ang batas at mananagot ang may sala anuman ang estado nito sa buhay.