Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Fajardo, San Miguel dinispatsa Phoenix

Mga laro ngayon (Ynares Center, Antipolo)

Maingay na inumpisahan ng San Miguel Beer ang kampanya sa PBA Season 47 Philippine Cup nang ipagpag ang makulit na Phoenix 108-100 sa second game sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Nagpakalat agad ng 24 points, 15 rebounds at 6 assists si June Mar Fajardo para giyahan ang Beer.

May 24 points din si Vic Manuel at 17 points, 12 assists kay Chris Ross.

May paunang pondo na agad na P2,400 si Fajardo na ido-donate sa charity.

Nangako ang six-time MVP na bawat puntos niya ay tutumbasan ng P100, P100K kapag nakapasok ang SMB sa Finals ngayong season.

“Para ‘yun sa mama ko,” ani June Mar, namatay ang ina noong isang taon. “Ginagabayan pa rin niya ako.”

Naglista ng 22 points si Matthew Wright at 17 si Tyler Tio pero naubusan ang Fuel Masters.

Sa first game, naiwan ng 16 ang NLEX, pero nakabalik para idiskaril ang Terrafirma Dyip 105-82.

Binitbit ng 24 points ni Kevin Alas ang Road Warriors, umayuda ng 20 ang nagbabalik mula hand injury na si Calvin Oftana. (Vladi Eduarte)