Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Duterte rumampa sa Tagum na nakamotor dinumog

Dinumog ng mga Davaeño si Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong mamataan habang nagmomotorsiklo patungong Tagum, Davao del Norte nitong Miyerkoles.

Ito ang ikalawang pagkakataon na makita ang pangulo na nagmotorsiklo sa Davao City, una noong Mayo 28.

Kasama ang mga security aide na sakay din ng motorsiklo, nagsigawan ang mga residenteng nakakita sa pre¬sidente kaya tumigil ito dahil dinagsa siya ng mga tao.

Ang iba ay nakipag-selfie pa kay Duterte kaya walang makadaan na mga sasakyan dahil nasa gitna ng kalsada ang mga residenteng dumumog sa kanya. (Aileen Taliping)