Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dok sa OsMak, nangmolestya ng pasyente

Bukod sa posibleng mabawian ng lisensya, nahaharap sa kasong kriminal ang isang doktor ng Ospital ng Makati (OsMak) dahil sa umano’y pangmomolestya sa isang pasyenteng lalaki.

Ayon sa biktima, nangyari ang insidente noong Marso 7 nang magtungo sila ng kanyang lola sa OsMak dahil sa pagsakit ng kanyang tiyan.

Ipinasok umano siya ng doktor sa isang silid para i-ultrasound sa hinalang mayroon siyang appendicitis pero wala naman itong kagamitan. Dito na umano siya ginawan ng kahalayan ng doktor na agad niyang tinakasan.

Nagreklamo ang biktima sa National Bureau of Investigation (NBI) para maparusahan ang doktor. Nanawagan naman si Atty. Jun Dongallo, regional director ng NBI-NCR sa iba pang pasyente na maaaring nabiktima ng doktor na lumantad at kasuhan din ito.