Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

DOE `di maawat taas-presyo ng langis

Tataas pa rin ang presyo ng langis sa mga susunod na linggo dahil walang pangyayari sa mundo na maaaring maging dahilan para bumaba ito, ayon sa Department of Energy (DOE) kahapon.

“Itong tuloy-tuloy na pagtaas, may expectation po tayo na mangyayari at mangyayari sa susunod na week. Wala po tayong nakikitang event ngayon na siyang mag-o-offset ng push nitong mga event na ito na nagpapa-increase ng price,” sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya, tatlo ang dahilan kaya tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mundo ngayon at kabilang dito ang pag-alis ng mga lockdown sa China, ang pag-ban ng European Union sa langis galing Russia dahil sa pag-atake nito sa Ukraine at summer na o tag-init sa Europe, Estados Unidos, Canada, South Korea at Japan kaya mas mataas ang demand nila dito.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Abad, ang lockdown sa China kamakailan ang dahilan kaya bumaba ang demand sa langis sa mundo at kaya nagkaroon ng rollback sa presyo nito sa bansa.

Bagamat pinag-uusapan ang hiling na tanggalin ang excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo, sa Kongreso lamang ito pormal na masisimulan.

Aniya, ang tanging ginagawa lamang ng DOE sa ngayon ay pakiusapan ang mga kompanya ng langis na magbigay ng promo sa mga motorista. (Eileen Mencias)