Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Diaz nilabas angas sa National Open

IKINATUWA ng mahigit 200 kabataang weightlifter na personal na makita kung paano itinanghal na 2020+1 Tokyo Olympics gold medallist si Hidilyn Diaz-Naranjo sa pagsagawa nito ng exhibition sa ginaganap na Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Championships sa Tagbilaran City, Bohol.

Mapapanood sa isang video post ni Zamboanga City Athletic and Sports Director Cecil Chavez Atilano ang game na game na pagbuhat ng mula mismo sa Mampang, Zamboanga City na si Diaz-Naranjo ang pagpapamalas ng taktika at tamang pagbuhat ng gusto nitong bigat.

Si Diaz, na kakakasal pa lamang sa strength and conditioning expert at coach nito na si Julius Naranjo, ay kailangan na mapanatili ang kanyang pwesto sa pambansang koponan kung kaya kahit mababa ang kanyang nabuhat ay mas kinailangan nito para sa inaasam na huling paglahokt sa 2024 Paris Olympics.

Samantala’y nagwagi naman para sa Zamboanga City Weightlifting Team sina Jhodie Peralta, gold medalist sa 49kgs category youth division at bronze medal sa open division.

Wagi din si Rosegie Ramos ng dalwang pilak sa junior at open division habang si Citadel Callenero ay tanso sa junior division. (Lito Oredo)