Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Derek bubuntisin si Ellen sa taon ng Dragon

Dumalo si Derek Ramsay kasama ang kanyang misis na si Ellen Adarna sa premiere ng Cinemalaya entry na “Ginhawa” .Binigyan nila ng moral support ang pinagbibidahan ng kanyang kapatid na si Andrew.

Ani Derek, na-miss daw niya ang Cinemalaya dahil ang first movie niya sa naturang film festival ay ang “The Janitor”. Isa raw ito sa pinakapaborito niyang pelikulang nagawa.

Sa tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Andrew, prangkang sinabi ni Derek na mas talentado ang kanyang younger brother compared sa kanya.

Ang payo lang daw nito kay Andrew ay hasain ang sarili sa pagsasalita ng Tagalog kung gusto nitong magkakarir sa showbiz.

Alam din niyang minsan ay naba-bash ang kapatid lalo pa’t may mga nang-ookray na hindi sila mukhang magkapatid.

Ani Derek, semi-retired na rin daw siya sa showbusiness dahil nga sa pandemya.

Priority daw niya ang kanyang pamilya lalo na ang kaligtasan ng kanyang magulang at mga mahal sa buhay na araw-araw niyang nakakahalubilo.

Ito rin daw ang dahilan kaya di na niyang feel na gumawa ng teleserye.

Gayunpaman, kung magi-improve raw ang situwasyon sa new normal, hindi naman niya isinasara ang sarili sa pagtanggap ng mga proyekto lalo na kung ito ang right vehicle for his comeback.

Kahit hindi aktibo sa showbiz, nagpapasalamat naman siya dahil hindi siya nawawalan ng endorsements.

Aniya, open daw naman siya sa hosting jobs sa mga events like beauty pageants.

Kuwento pa niya, malaki raw ang ipinagbago ng buhay niya mula nang mag-asawa siya kaya walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil natagpuan na niya ang ‘the one’ sa katauhan ng kanyang misis.

Tungkol naman sa pagkakaroon ng baby, masayang ibinalita ng actor na may nakalatag na plano na raw sila ni Ellen ukol dito.

“Next year,”nangingiting niyang pahayag.

Aniya, naniniwala raw kasi siya sa proper timing kaya itataon niyang ‘buntisin’ si Ellen next year.

“Para dragon. Dragon ako. Dragon si Ellen. Dragon ang pamangkin ko, so house of dragon siya. Suwerte raw kasi ang dragon…kasi water dragon next year,”paliwanag niya.