Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Danyos ng Luzon quake pumalo na sa P2B

Pumalo na sa halos P2 Bilyon ang halaga ng pinsalang winasak ng malakas na lindol sa Abra noong Hulyo 27.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot na sa P1,993,069,205 ang halaga ng 2,433 na nasirang mga imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Naitala sa Ilocos Region ang pinakamalaking pinsala dahil sa nawasak dito na 1,453 mga istraktura na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.

Sumunod ang CAR na may 828 nawasak na istraktura at nagkakahalaga ng P922 milyon at Cagayan Valley na may nasirang 131 imprastruktura na nagkakahalaga naman ng mahigit P32 million.

Samantala, may 693 bahay naman ang nawasak mula sa kabuuang 35,958 kabahayan na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol. (Kiko Cueto)